Thursday, May 20, 2010

Comfort Zone...

Heto na naman ako, iniwan ko sya ng mahigit 16 na buwan, pero andyan pa rin sya at naghihintay sa akin. Mabuti pa sya, kahit anong nangyari hindi nya ako iniwan, tinatanggap nya pa rin ako kahit ilang beses ko na syang iniwanan. Ang dami na naming pinagsamahan, lungkot, ligaya, kahit ilang beses kong napagbalingan ng galit at inis ko, ilang beses kong hinagis, binalibag, sinipa at hinampas, hindi pa rin sya umalis.

Akala ko hindi na ko babalik sa kanya, akala ko pang-habang-buhay na yung kaligayahang nadama ko nung umalis ako sa piling nya. Hindi pala, lahat ng bagay ay may katapusan, hindi man natin gusto, hindi man natin matanggap dahil masakit sa loob natin, pero kailangan.

Malaking parte ng buhay ko ang nawala, hindi ko alam kung maibabalik ko pa, nabasag ang damdamin ko, hindi lang dalawa o tatlong piraso, milyong-milyong piraso. Hindi ko alam kung san ko sisimulan pulutin ang mga nakakalat na parte ng damdamin ko.

Sana sa pagbalik ko sa kanya, maghilom ang malalim na sugat sa puso ko, mabuo ulit ang nabasag kong damdamin. Alam ko naman na tatanggapin nya pa rin ako.

Sabi nga sa chorus ng kanta na I’LL BE OVER YOU ni TOTO

It takes some time.
God knows how long.
I know that I can forget you,
As soon as my heart stops breaking,
Anticipating
As soon as forever is through,
I’ll be over you.

Gaano ba katagal ang FOREVER?

No comments: