May makakapagsabi ba sa akin kung paano tanggalin ang tanikala ng pag-ibig? Paano ko matatakasan ang mahigpit na hawak ng pinagmumulan ng dalamhati, kalungkutan at kahungkagan? Paano ako hindi na iibig?
Dumadaloy ang mga payo ng aking mga kaibigan, “manatiling abala”, sabi nila. Ngunit ang pag-ibig ay mabigat na nasa puso ko kahit anong gawin ko. “Wag mo syang isipin”, payo nila. At hindi na rin ba ako hihinga? “Humanap ka ng iba”, rekomendasyon nila. Napupulot ba sa kalsada ang pag-ibig?
Tunay na pag-ibig ay hindi napapalitan, tiyak na hindi sa kaswal na palasintahan. Naniniwala ako na walang simpleng pamamaraan, o mga alituntunin kung paano hindi na umibig. Ang pag-ibig ay kusang dumadating, at kusang aalis kapag ito ay handa na, at hindi bago paman. At habang lumalakas ang pag-ibig, mas humahaba ang panahon nito.
O, tama, panahon -- ang dakilang manggagamot, sinasabi nila, ang tanging kilalang ginhawa. Ngunit hindi ako mabigyan ng kaginhawaan ngayon, hindi rin tiyak kinabukasan o marahil kahit sa susunod na isang libong kinabukasan.
Sabi sa lyrics ng kantang "I Need You Back" by Lea Salonga
Since you`ve gone I`ve always been alone
Feeling down and sorry for myself
I look at your picture and there I find
I won`t make it through another rain
Without your sunshine
I need you back...
I need you here to guide me
Please come back
You`re the only one who`s ever loved me
I need you back
Let`s start all over again
Share the love you had for me then
Friday, June 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
Bakit tanikala ang tingin mo sa pag-ibig? Kahit ba ito ay nagdudulot ng hinagpis...
O sige, naubusan na ako ng Tagalog, inuman na lang tayo :D
Post a Comment