Friday, June 4, 2010

Ulan…

Tag-ulan na naman. Nakikiramay sa akin ang panahon. Nakikisabay sa pagluha ng aking damdamin. Sa pagdadalamhati at pangungulila. Sa pag-asang may babalik pa.

Sana pagkatapos ng tag-ulan, dumating ang tag-araw sa buhay ko at sana ako ay hindi na luluha pang muli.

Ngunit ngayon, sige, buhos pa ulan at mundo ko ay lunuring tuluyan, kung hatid mo man ay bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo.

Sabi nga sa lyrics ng “Crying in the Rain” by Everly Brothers

Raindrops falling from heaven
Could never wash away my misery
But since we're not together
I'll look for stormy weather
To hide these tears I hope you'll never see

Sana sa darating na tag-araw… sana ako ay hindi na luluha pang muli…

2 comments:

Anonymous said...

gusto ko dati ng ulan pero tumigil ako sa pagkagusto tapos gusto ko na ulit ngayon :)

maraming pwedeng mangyaring maganda sa iyo sa mga darating na araw pero ikaw ang pipili kung gugustuhin mong maging maganda nga o hindi ;)

Anonymous said...

Ya, its a matter of perspective or outlook...

I hope what ever happen, you would see good reasons on any weather in your life...